Add parallel Print Page Options

Bilang propeta, kasama ko ang Dios sa pagbabantay sa inyo na mga taga-Israel. Pero kahit saan ako pumunta ay nais ninyo akong ipahamak; para akong ibon na gusto ninyong mahuli sa bitag. Galit sa akin ang mga tao sa Israel, na itinuturing ng Dios na kanyang tahanan.[a] Napakasama na ninyo tulad ng mga lalaki noon sa Gibea.[b] Aalalahanin ng Dios ang inyong mga kasamaan, at parurusahan niya kayo sa inyong mga kasalanan.”

10 Sinabi ng Panginoon, “Mga taga-Israel, noong piliin ko[c] ang mga ninuno ninyo na maging aking mga mamamayan, tuwang-tuwa ako. Gaya ng taong tuwang-tuwa nang makakita ng ubas na tumubo sa disyerto o nang makakita ng unang bunga ng puno ng igos. Pero nang pumunta sila sa Baal Peor, itinalaga nila ang kanilang sarili sa mga nakakasuklam na dios-diosan, at naging gaya sila ng mga kasuklam-suklam na dios-diosang iyon na kanilang iniibig.

Read full chapter

Footnotes

  1. 9:8 sa Israel … tahanan: o, sa templo ng aking Dios.
  2. 9:9 mga lalaki noon sa Gibea: Ginahasa nila at pinatay ang isang babae. (Tingnan ang Hukom 19.)
  3. 9:10 noong piliin ko: sa literal, noong nakita ko.